09
Aug
10

Ang Orig na UE Mascot, Nasaan na si Ultimate?

Napanood ba ninyo yung game natin laban sa ADMU? Ang ganda ng laban, muntik na nating matalo yung “the Ateneo” pero nasilat pa ang tagumpay satin. Medyo mahirap tanggapin na ganun, pero parehas lang naman nagpakita ng ibubuga nila ang bawat team at mas nanaig lang ang asul sa pula. Nga pala, napanood ba ninyo yung halftime break? Ang gaganda ng mga cheerleaders noh?, kung oo tiyak nakita ninyo yung ibong mascot ng ADMU?

Eh, yung mascot natin natatandaan pa ba ninyo? Si Ultimate ang makulit na mascot ng University of the East Red Warriors na tuwing may laban sa UAAP ay nagpapasaya sa UE Crowd? Yung mascot na may hawak na palakol at nang hahabol ng ibang mascot sa mga kalabang eskwelahan?

Kung hindi ninyo matandaan. Si Ultimate nga pala ay hango sa isang WWF wrestler na si Ultimate Warrior, na sikat sa kanyang face paint at sa kanyang namumutok na mga biceps.

ultimate_warrior

Sigurado kung lumaki kayo kagaya ko na mahilig sa “entertainment wrestling” ay tiyak alam ninyo ang urban legend sa dahilan bakit nawala si Ultimate Warrior sa wrestling. Sa pagkakatanda ko dahil daw pinilit niyang buhatin si Andrew the Giant at dahil doon ay pumutok ang kanyang matutumbok na biceps. Ang kulit ng kwento niya, obvious naman peke kaya ang wrestling.

Maliban sa mascot ng ADMU sa game nila laban satin. Naalala ko ulit si Ultimate dahil sa pagpapangalan ng host school ng UAAP season ngayon sa representation ng bawat eskwelan. Yung UAAP heroes theme teaser futuristic ang pagkakagawa na parang Batang BTX ang pagkakagawa (aminin Batang BTX inspired yan).

Kung napanood na ninyo may tanong lang ako, saan kaya galing ang mga bad guys na pumasok sa campus ng DLSU na nanggulo na lang bigla? May representation din kaya sila bilang mga outsider sa liga na pilit ginugulo ang katahimikan ng mundo ng UAAP?

Ayon sa isang support site ng host school ang pangalan daw hero in red ay si Tatanka Jr. ang anak ni Tatanka.

tatanka

Isa din dating sikat na WWF wrestler. Kahit na mas kamukha ni “Datu Puti” ang ginawang hero ng DLSU para sa UE ay nakakatuwa na isa itong patunay na nirerespeto nila ang ating nakaraan bago pa tayo naging mala-Datu inspired noong dekada 90.

Balik tayo kay Ultimate, natatandaan ko din na mayroon petition sa sariling forum site ng UE na magkaroon ang UE ng “pet mascot” at mas gusto nila na Bull daw ang gawing mascot. Mukhang hindi na nila natatandaan si Ultimate ng gawin ang petition, maaring hindi na nila naabutan ang makulit na si Ultimate noong nag-aral na sila sa UE.

Isa pang nakakalungkot ay ang isa pang pagkakamali ng ibang mga taga-UE na si Lualhati at si Red Warrior ang mga mascot ng UE.

Kagaya nito: Mascot daw si Red Warrior at Lualhati?

Una, magkaiba si Lualhati kay Ultimate. At sana naman ay bigyan ng mas mataas na respeto si Lualhati dahil siya ang representation ng UE bilang ating Alma Mater.
Pangalawa, ang Red Warrior ay ang moniker ng UE sa mga athletic events. Habang si Ultimate ay kagaya ng ibang mga mascot ay ang tanging papel lamang ay magbigay ng “light entertainment” sa crowd. Magpasaya, manguna sa pag-cheer, at mangulit sa loob ng venue.

Ngayon, pagkatapos ng masasayang moment niya sa mga UAAP games, ay matagal-tagal na din siyang nagpapahinga sa kung saang bodega sa loob ng UE, ano kayang nangyari sa kanya at matagal na din siyang “parang hostage” sa isang maliit na karton. Siguro malungkot at sabik na sabik na muling magpasaya sa buong UE community kapag may UAAP game ang makulit na si Ultimate ang orig na UE mascot?

Advertisements

0 Responses to “Ang Orig na UE Mascot, Nasaan na si Ultimate?”



  1. Leave a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


Be Updated with the Tira Blog

• TIRA UE •

Brave UE Warrior

• BLOG UPDATES •

KWENTONG BATIBOT

>> Panahon Ko 'To: UAAP Episode


>> Oh, UE Pep Squad at UERD, Ano ba?


>> Vuvuzelas in the UAAP? - Laughing Out Loud!


>> Now I want to buy those Appeton and Cobra Energy Drink


>> Ang Orig na UE Mascot, Nasaan na si Ultimate?


OLD AZCARRAGA VIEW

>> The First Tribe of Red and White


>> University of the East's 58 years in the UAAP


FEATURED FANCHANT

Pula

• SPORTS UPDATES •

CURRENT NEWS

>> 11/27/10 - PCCL Update: SBC def. UE.


>> 11/13/10 - Paul Lee was awarded as this year Bantay Bata UAAP-NCAA All-Stars MVP, after leading the UAAP All-Stars against NCAA All-Stars.


>> 11/13/10 - Former UE Red Warrior Bong Ravena and his son Ateneo Blue Eaglet Kiefer Ravena has won the Bantay Bata UAAP-NCAA Father and Son Shooting Challenge.


>> 11/12/10 - PCCL Update: UE def. UM, 100-74.


>> 11/11/10 - PCCL Update: UE def. UPHS-L, 80-44.


>> 11/05/10 - James Martinez is this year UAAP Hardcourt Heartrob.


TEAM STANDINGS


GAME SCHEDULE

2010-2011 Father Martin's Cup Open Division

December 4, 2010
Arellano Gym
UE vs EAC
2:30 P.M.


>> View full Schedule


CURRENT TEAM ROSTER

Kenneth Acibar

Garrick Ayala

Lord Casajeros

Erwin Duran

Biboy Enguio

Ivan Hernandez

Paul Lee

James Martinez

JM Noble

Samuel Razon

Raphael Reyes

Ezer Rosopa

Adrian Santos

Jhon Rey Sumido

Lucas Tagarda

Paul Zamar


100 Percent Warrior

• REFLECTING ON IT •

Keep in mind the difference between a winner's and a loser's mentality. Winners focus on winning big—not just how to win, but how to win big. Losers, however, don't focus on losing; they just focus on getting by!

• FLESHING IT OUT •

Each Warrior wants to leave the mark of his will, his signature, on important acts he touches. This is not the voice of ego but of the human spirit, raising up and declaring that it has something to contribute to the solution of the hardest problems, no matter how vexing!

Red Tribe of the East

Red Tribe

The official support group of the UE Red Warriors

Archives

Categories

Tira Stats

  • 49,688 shots

%d bloggers like this: