14
Sep
10

Oh, UE Pep Squad at UERD, Ano Ba?

Nakakadismaya na naman ang performance ng UE Pep Squad this year’s Cheerdance Competition. Marami ang umaasa na magiging katanggap-tanggap ang ipapakita nila pero ayon 6th place finish at pasalamat pa tayo na mas madaming stunt errors ang AdU at NU baka 8th place pa tayo. Don’t get me wrong on this, hindi ako galit sa mga nagperform. Lahat sila ay nagpakita ng kaya nilang gawin at dapat lang silang ipagmalaki, masama ang loob ko sa institusyon mismo, ewan ko ba bakit ganito na lang kalamya ng mga routine nila taon-taon.

Overall, magulo ang routine at ang mga stunts ay puro basics, yung pyramids ay mababa at if ikukumpara sa highschool cheerleading ay malayong-malayo. Kulang na kulang ang gymnastic skills at ang inaabangang Tribe concept ay hindi naman pala kaabang-abang. Yung costumes hindi din magandang tignan, symetrically nagkulang, at ang props naku naman…

Alam naman natin na may kulang sa support at funds ang UE Pep Squad pero hindi naman sana maging palaging dahilan ito bakit tayo hindi man lang umasenso sa Cheerdance. Sa totoo lang sang-ayon ako na palitan na ang UE Pep Squad, may mga proposal na ipalit ang UE Silanganin Dance Troupe sa kanila pero bakit hindi natuloy. Katulad din ng UERD, gusto ko na din ng complete overhaul sa mga institusyon ng UE na humahawak ng cheerleading.

Wala na ba kayong alam gawin, taon-taon nalang palaging paulit-ulit ang mga routines at performances ninyo during halftime kapag may game ang Red Warriors. Madami nang dismayado sa mga ginagawa ninyo. Isama na natin ang mga cheers (yung gawa lamang ng UERD) na kesa nagbibigay ng pride satin ay nagbibigay ng kahihiyan. Wala namang isyu nuong UE Band pa ang humahawak ng cheerleading pero nuong palitan sila doon naglabasan na ang mga isyu na pirata at kopya kuno. Please naman ang tagal na ninyo diyan hindi man lang kayo umasenso.

Ang masakit pa nga dito kakaunti na nga lang yung mga beat na masasabing atin, nakokopya pa! Thanks sa mga dating UERD na hindi man lang nahiya sa Alma Mater nila. Pakinggan ninyo ang EAC Generals at pati ang closeness with other co-UAAP school gaya ng AdU nagkakatunog na din.

Malaki talaga ang problema dito, kesyo ayaw daw ng UE Admin nang pagbabago, oh, baka naman talagang takot kayong mga taga PE Dept. na iharap sa UE Admin ang tunay na problema kaya hindi nabibigyan ng tunay na atensyon.

Lastly, ako’y nagbibigay pugay kay Coach Lawrence Chongson dahil may delicadeza siya na bitawan na ang pagcocoach ng Red Warriors pagkatapos ng hindi magandang resulta ngayong taon. Hindi gaya ng coach na humahawak ng UERD at Pep Squad ang tagal mo na dyan hanggang ngayon hindi ka pa din umalis sa puwesto mo. Hindi ko alam kung makapal ang mukha mo o bingi ka talaga dahil gusto mo na ingay lang ang gagawin ng UERD mo.

Advertisements

7 Responses to “Oh, UE Pep Squad at UERD, Ano Ba?”


  1. 1 bii.
    September 14, 2010 at 9:51 PM

    kung alam mo lang manliliit ka sa sinabi mo.

    • 2 jonty remalla
      September 15, 2010 at 6:46 PM

      pasensya na kayo kung ganun ung nangyari pang 6th lang kami. pero ung mga sinasabi mo dito parang ang galing galing mu naman kung makapagsalita ka. ret mo umakyat ng gym4 at tignan ung mga ginagwa namin.

  2. 3 trent
    December 19, 2010 at 10:23 AM

    don’t get us wrong… as alumnus ng UE, dismayado kme s campaign ng UE Pep Squad and Drummers.. every year, lang improvement.. Make some adjustments and make us proud…… Take it as Constructive Criticism…

  3. 4 bomba
    February 1, 2011 at 5:16 PM

    try mo sumali dyan. tignan natin kung kayanin ng katawan mo. kakaawa ka naman iho.

  4. 5 jamjam
    February 2, 2011 at 8:51 AM

    May point naman kasi yung author nito.Alam naman natin lahat kung gano kahirap ang ginagawa ng mga pep squad from different schools.Pare-pareho lang kayong nahihirapan.Wag sana kayo magalit,mainsulto,or what.Sinasabi niya lng yung opinion/comment niya,for you to know what are the comments and reactions of the people to the performances of the ue pep squad. UE Pep Squad should focus on tumblings and flexibility,just like the pep squad of the feu.And dapat may qualifications pag dating sa skills to be part of the squad,hindi yung basta marunong lang sumayaw.
    And dun naman sa sinasabi na dapat sila palitan ng dance troupe,hindi naman dapat yun.Kasi kaya nga sila tinawag na pep squad kasi they are the representative of the school in terms of cheering.
    To all ue pep squad na nakakabasa nito,wag sana kayo magagalit.Concern lang kami sa inyo.Dapat isa-puso niyo yung mga bagay na ginagawa niyo.Hindi lang dahil gusto niyo,dapat mahal niyo.
    🙂

  5. 6 pee jei
    May 20, 2011 at 1:25 PM

    May point naman talaga ang blog na ito. I think, collective ung reaction na un towards sa pep squad. alumnus din ako ng UE. taon-taon nga na lagi taung pang-6th. May sentiments pa na intermission number lang tayo for the main competitors UST, UP, and FEU. Unless, of course, you want to settle on that, wala na nga naman kaming magagawa dahil hindi kami ang nagti-training, kung nagti-training nga… But, all we’re saying is, we need to see improvement, at least. Again, to the UE pep squad and UERD, take all this as a constructive criticism.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


Be Updated with the Tira Blog

• TIRA UE •

Brave UE Warrior

• BLOG UPDATES •

KWENTONG BATIBOT

>> Panahon Ko 'To: UAAP Episode


>> Oh, UE Pep Squad at UERD, Ano ba?


>> Vuvuzelas in the UAAP? - Laughing Out Loud!


>> Now I want to buy those Appeton and Cobra Energy Drink


>> Ang Orig na UE Mascot, Nasaan na si Ultimate?


OLD AZCARRAGA VIEW

>> The First Tribe of Red and White


>> University of the East's 58 years in the UAAP


FEATURED FANCHANT

Pula

• SPORTS UPDATES •

CURRENT NEWS

>> 11/27/10 - PCCL Update: SBC def. UE.


>> 11/13/10 - Paul Lee was awarded as this year Bantay Bata UAAP-NCAA All-Stars MVP, after leading the UAAP All-Stars against NCAA All-Stars.


>> 11/13/10 - Former UE Red Warrior Bong Ravena and his son Ateneo Blue Eaglet Kiefer Ravena has won the Bantay Bata UAAP-NCAA Father and Son Shooting Challenge.


>> 11/12/10 - PCCL Update: UE def. UM, 100-74.


>> 11/11/10 - PCCL Update: UE def. UPHS-L, 80-44.


>> 11/05/10 - James Martinez is this year UAAP Hardcourt Heartrob.


TEAM STANDINGS


GAME SCHEDULE

2010-2011 Father Martin's Cup Open Division

December 4, 2010
Arellano Gym
UE vs EAC
2:30 P.M.


>> View full Schedule


CURRENT TEAM ROSTER

Kenneth Acibar

Garrick Ayala

Lord Casajeros

Erwin Duran

Biboy Enguio

Ivan Hernandez

Paul Lee

James Martinez

JM Noble

Samuel Razon

Raphael Reyes

Ezer Rosopa

Adrian Santos

Jhon Rey Sumido

Lucas Tagarda

Paul Zamar


100 Percent Warrior

• REFLECTING ON IT •

Keep in mind the difference between a winner's and a loser's mentality. Winners focus on winning big—not just how to win, but how to win big. Losers, however, don't focus on losing; they just focus on getting by!

• FLESHING IT OUT •

Each Warrior wants to leave the mark of his will, his signature, on important acts he touches. This is not the voice of ego but of the human spirit, raising up and declaring that it has something to contribute to the solution of the hardest problems, no matter how vexing!

Red Tribe of the East

Red Tribe

The official support group of the UE Red Warriors

Archives

Categories

Tira Stats

  • 50,611 shots

%d bloggers like this: